Wednesday, May 3, 2017

Di maipabatid (Unspoken Poetry)



Paulit ulit ulit ulit kong naririnig
Mga kwento mong kaypait
Nilimot na niya ngunit sa buhangin patuloy mong iginuguhit
Masakit, oo,  sobrang sakit ramdam ko ang hapdi sa bawat bagsak ng iyong tinig, aking nahihimig.
Oo, giliw masakit... alam na alam kong sobrang sakit dama ko sa bawat pagkuyom ng iyong mga kamay.
Oo ramdam,  ramdam na ramdam ko ang hirap na iyong pinapasan.
Ngunit alam mo din ba na sa lahat ng iyon
Sa bawat pagkakataong aking nadirinig ang iyong mga hinaing
Kumakaway, tunay kumakaway ang puso kong nag nanais na minsan kahit minsan ako nalang sana ang balingan ng puso mong bugbog na, suko na ngunit sadyang lumalaban pa.
Sa bawat "okay lang yan!" Sarili ko'y sinusuri ko rin kung "Eh, ako okay lang ba?"
Sa bawat "kaya mo yan! " Sa akin nama'y "kaya ko pa kaya?"
Yung kwento mo sa totoo lang eh kwento ko din yan ang kaibahan lang mahal ikaw may ako pero ako walang ikaw.