Pebrero! Buwan ng mga puso. Buwan ng pagbibigay pansin sa detalye tungkol sa pag-ibig. Hindi mawawaglit lalo na ng mga kabataan ang pagbibigay-aliw sa kanilang mga nililiyag.-kapiling man nila o hindi.
Ang mga kabataan ay may mga malilikhaing pamamaraan ng pagpapadama ng kanilang pagsinta. Maaaring sa isang harana, date na bonggang-bongga, umaatikabong luhuran at yakapan sa gitna ng quadrangle o saan mang pampublikong lugar, umaapaw na rosas, naglalakihang teddy bears, at napakarami pa na halos di ko na kailangan pang maisa-isa para masabing ay kabataan in lab ka nga.
Sa amin pong parokya (Ina ng Laging Saklolo, Phase 7 Bagong Silang, Caloocan City), ang mga kabataan ay naggnaggayak din ng isang nakaiigayang pamamaraan upang ipagdiwang ang araw ng mga puso. Kinatampukan nito ng ilang mga ‘kubol’ o booths na may iba't ibang pakulo para sa maibigan ng bawat kabataan. Nagkaroon din ng sayawan at pagkilanlan sa isa't isa.
Saturday, February 15, 2014
Love.-- still in the air!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment