Iyan ang himig at indak ng pusong may pag-asa!🎤💃💞
Kadalasan...
Kapag naisip ng isang sawing puso ang nakalipas niya, maaaring mahinawa niyang kabiguan lang at sakit ang hatid ng pagmamahal o pagsuyong natigil. Ngunit mapagtatanto mo ring kapag mayroon nang panibagong pagsuyo at ito'y nananatili, ang nagdaan ay tila aral na magtuturo sayo na may panahon ang lahat at di lang bugso ng damdamin ang nag-aalab... kungdi ang pagtingin ninyo sa hinaharap --di lamang sa malapot na pagtitig sa mata ng isa't isa.
Ang "pagmamahal" o "pagsuyo" sa isang tao (technically speaking, not one of your relatives huh) ay isang sugal. Naniniwala akong bahagi nito ay pagtitika mo sa isang banda. Pagsugal, na hindi mahalaga kung sinuman ang magwawagi o magiging sawi dahil ang mahalaga alam mo kung kailan kakapit at kailan ka bibitiw. Sa kabilang banda, kung nagmamahal ka pipiliin mo ang bagay na magpapaligaya sa kanya kahit pa di ka bahagi non eh magpapaubaya ka. Lahat ng bagay ay nagaganap ng may mahusay na kadahilanan. Di nga lang natin mababanaagan agad-agad.
Lalo pa kung...
Ang taong minamahal mo ay di na tulad ang nararamdaman gaya ng sa iyo. Napanaw na ang maalab niyang pag-ibig. Suriin mo ang mga kaganapan sa inyo. Pag-usapan ninyo. Sumugal ka kung maaari pang balikan ang lahat para maalala nyang nangako kayong para sa isa't isa o hahayaan mo siyang hanapin ang sarili niya sa malawak na mundo (aaay,bahala siyang maligaw pineste. Haha) ang mahalaga nagkaroon kayo ng pagkakataong maunawaan ang kasalukuyang kalagayan ng inyong relasyon. [pakiusap naman kung mag-asawa na kayo pag-usapan niyong masusi at isaalang-alang ang maraming bagay, wag kayong ano dyan!]
Gayunpaman,
Sa pusong nabigo na ng minsan at nang minsan pa (wag nang pangangatluhan pa... hanggang 2nd Chance lang yung movie wag kayong ano!) wag matatakot sumubok magmahal muli. Dahil hindi mo malalaman, mararanasan, at mararamdaman kung di mo susubukan. Hindi mo maipadarama yung pagmamahal mo sa isang tao kung di ka susubok. Bahagi ng umibig ang masaktan kasi tao ka, di ka naman bato... wag lang paulit-ulit dahil walang gamot sa tanga ha. Hayaan mo na ang nakalipas, limutin mo na at matuto ka.
Sa kabilang banda...
Ang pag-ibig, pagmamahal, at pagsuyo ay di naman talaga nakakasakit. (Read on Corinthians ha, it has to be God centered...nosebleed na ko managalog pero kaya pa tiwala lang) kahit pa minsan bahagi lang nito ang pagtatasa o pagsukat sa tibay ninyo.-- na ang layunin ay lumago at hindi ang sirain kayo.
Kasi naman...
Ang pagmamahal di pinagpipilitan (wag pasukin ang komplikado, wag kang manggulo) tumiming ka naman uy! Dalwa lang!-- yung papangatlo na magba-bind si God yun. Wag kang feeler ha! antay ka ng sayo. Dahil ang pag-ibig di hinahanap kusang dumarating yan. Wag kang mag-alala yung laan para sa iyo hahawakan ng mabuti yung kamay mo nang di ka na malayo sa kanya. Yung isasanggalang niya yung sarili para di ka na masaktan pa. Kaya kalma lang ha. Wag nang bagabag.
Ang saganang akin,
Ang pag-ibig parang pagbabasa lang ng libro yan. Kung balik ka nalang ng balik sa isang pahina eh di mo mababasa yung sunod na Chapter na mas maganda pa pala... may anticipation naman kasi... nanamnamin mo yung binabasa mo hindi yung dinadaanan lang ng mata mo. Basta sarap magbasa lalong higit pagdamang-dama (pag-ibig pa rin ba topic ko o pagbabasa na?Haha)
Baka naman...
Minsan masarap ding magmahal ng 'writer'...Sabi nga sa isang nabasa ko, "When you love a person that writes no need for you to marry a Greek god or goddess cos through their writing you can be immortal! " (maisingit lang)
Napagtanto ko ding...
Ang kakayahan nating magmahal ay di naman kayang tibagin ng isang kabiguan o di kaya ay maipagwawagi ng isang haplos... yes it can start with such pero... tatandaan nating panghabambuhay ang pag-ibig patuloy tayo sa pagsuyo. Dito ay matuto tayo, may malalaman, at mag-uusbong. Sa buhay, bahagi nito ang pagkawala ng ilan at pagdating ng panibago.
Alam ko to (learned by experience)
Pag-iniwan ka, wag kang magmumukmok. Iiyak mo kung kailangan... hahanap ka din ng kausap ha delikado eh. But "time heals all wounds" totoo! Ang buhay ay pasulong di yan paurong. Masakit, siyang tunay, pero kaya naman. Mabuti nga at nagmahal ka... yung sa totoo lang... di ka nagkulang. Kunsensya na niya. Takte! Kung nadapa ka aba'y bangon! Wag kang unfair sa sarili. Love yourself and you'll again be set to love others. Oo, mag-iiwan ng marka yung dati. Pero pakiawa mo na wag mong kurutin ng kurutin yung sugat at baka maging malaking peklat yan ha. Ang pagmamahal ay dapat isang magandang pakiramdam na ibabahagi mo araw-araw hindi alaalang itinatago sa kung saanman.
O basta ha.
Pagmagmahal ka wag kang tipid. Lalo na kung dun sa tamang tao. Kailan mo malalamang tama? -- yung walang sabit, di ka panggulo, iniisip ang kapakanan mo, yung nagsasabi ng totoo at hindi lang paggwapo, yung di ka idadaan sa kwento pero may oras na makipag-usap sayo, yung hindi baon niya yung pandate sayo o galing pa sa kupit sa wallet ng nanay niya, hindi yung maganda/gwapo ka lang sa paningin niya dahil may nahihita sayo at di naman yung nasa-saloob mo.. (balak ka pang gawing trophy). Aral muna kung estudyante ka, pamilya muna bago iba. You'd know a better person if you see how they value their family... nakakasiguradong gamot ay bago... joke lang! Malamang alamang pahahalagahan din niya yung pamilyang bubuuin kasama ka. You'd know that the person would be worthy to build with and not just simply chill with. Di ka tambayan... tao ka... minamahal at pinapahalagahan.
Aaaay...hala ...babu muna! Antok na ulit si Ako.
Posted via Blogaway
Monday, January 18, 2016
Lab-dab,lab-dab!--listen to it...
Saturday, January 16, 2016
Thursday, January 14, 2016
Outside:Looking in.
Wake up: let go and move forward!
When it's time to break it... let it be in a proper manner. It could not be "even" as the song claims but the very least you didn't add up to the pain which both of you have, may have, or will be having.
Too much grip on some thing could never be right or fair enough. It can cause bruises on the one who holds it tight and scars/pains on the other side.
A relationship would always be "us"... if now at this time you are solely thinking about "I" well, better examine the affair the you are in right the very moment. Talk about it.
Most people would always cling on to things they no longer associate themselves anymore. This would definitely keep them hanging. The caught-in-the-middle feeling where you don't know if you'd proceed or forever be stocked.
In a relationship, this would be a bad indication. For an instance you'd say, "it's not about him/her, it's all because of me. Oooops, can you still remember how you'd become partners? Always consider that one is a part of the other in an affair. You can't surely be with together if one of you won't agree with the commitment of being part of each other.
This clearly calls out for people on the brink of deliverance deciding upon leaving someone without closure.
And remember, that once you decided over things never mull over it any more. Thinking about what you have already thought of would surely be a double jeopardy. It's a crime. It can consume you so beware and just be it. No holding back beacuse the more you do, the more you hurt yourself and the "once" special person in your life. Which on the other hand, if you turns out to decide to choose them they could be your lifetime.