Friday, August 17, 2012

Piyesa para sa BUWAN NG WIKA 2012


Kabataang Pilipino: Tungo sa Paghilom at Pagsulong.
 ni: Amado M. Angat


Saksi ako sa isang nakaririmarim na krimen,
Na pilit bumubulag sa aking paningin.
Halos araw-araw ay nasasaksihang pilit,
Sa puso't isip ko'y nagdudulot ng sakit.
Ang krimeng ito ay laban sa aking bansa,
sa aking lipunan, sa aking kapwa sa aking sarili.
Sa pahayagan man o telebisyon,
Ano ang inilalarawan? Ang graft and corruption.
Karumal-dumal na pagpatay ay nagdudulot ng tensyon.
Sa libing ng mamamayan ang wika ay rebolusyon!
Ilan sa mg pagawaan o mga pabrika,
Talino at galing ko ay inaalipusta,
Sa kakarampot na sweldo ay inaalipin pa.
Habang ang mga turistang kapitalista ang nagtatamasa.
Talamak na rakista ito ay wala ng lunas.
Bansa ko'y may paghihilom.
Bansa ko'y isusulong,
Sa ating ekonomiya ay pilit pumuhunan.
Ang waldas ay bumababa na ang antas.
Nabibili na ang lahat pati ang batas.
Hindi ko na makayanan ang sugat ng aking budhi
Sa hukumang ito, na ako'y nabiktimang saksi.
Wala akong ginawa kundi ang hayaang tanggapin ang lakas ng bawat hagupit.
Ako ang kabataan ay hangal bang maituturing?
Ako! Kabataan! Ay hangal bang maituturing?
Ang responsibilidad ko, at karapatan
ay nawalan na ng pansin.
Ang kabayanihang pinaglaban ay ipinamana sa akin
ng henerasyon ng tula, taong nasa akin.
Kailan kaya tayo titigil sa pagsisihihan?
Ang problema ay nasa sarili at bunga ng di
pagkakaisa,
Kung tayo ay magsasama-sama at isasantabi ang pagkakaiba.
Atin nang makakamtan ang tunay na kasarinlan.
Ako. Oo.
Ang kabataan ng bagong henerasyon.
Handa nang humarap sa unos ng pakikipagtuos
Maipagtanggol ang bansa sa salik ng kasamaan, pagkat ako ang kabataang Pilipino
tungo sa paghilom at pagsulong ng bansa ko.


No comments:

Post a Comment