Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat
Ang alamat ay nagmula sa salitang legend na mula naman sa salitang Latin na legendus na nangangahulugang “upang mabasa”.ito ay nagpasalin-salin sa pamamagitan ng oral tradition o pasalindilang pamamaraan ng pagkukwento. Ito ay lumaganap sa tulong ng pakikipagkalakalan ng mga dayuhan sa ating mga ninuno. Noong panahon ng mga Espanyol, sinasabi na ang mga ALAMAt daw ay mga gawang demonyo kaya pinaanod ang mga ito. Ngunit ang ilan ay sadyang nanatili sa mga labi n gating mga katutubo at siyang ating pinag-aaralan sa kasalukuyan.
Banghay
1. Panimulang Pangyayari- Pagpapakilala ng mga tauhan, ang tagpuan, at ang suliraning kahaharapin.
2. Papataas na Pangyayari- sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang masolusyunan ang suliranin.
3. Kasukdulan o karurukan- pinakamasidhing kaganapan sa kwento kung saan haharapin ng tauhan ang kanyang suliranin
4. Pababang Pangyayari- malulutas ang sliranin at matatamo ang layunin ng pangunahing tauhan.
5. Resolusyon- magkakaroon ang kwento ng makabuluhang wakas. Dito makikita ang aral ng kwento.
No comments:
Post a Comment