Saturday, October 15, 2011

Alamat 101

Mga Bahagi at Sangkap ng Maikling Kwento


1.      SIMULA-
a.      MGA TAUHAN- dito malalaman  kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung anu-ano ang papel na knilang ginagampanan.-pangunahing tauhan, katunggaling o tauhan, pantulong na tauhan (kasama na rin ang may-akda)
a.      TAGPUAN- dtto nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente gayundin kung kalian naganap ang kwento
b.     SULIRANIN- kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

1.      GITNA
a.      Saglit na kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo sa tauhang nasasangkot sa suliranin
b.     Tunggalian- bahaging kababasahan ng pakikipagtunggali:
·        Tao laban sa tao (sarili o sa ibang tao)
·        Tao  laban sa kalikasan
·        Tao laban sa lipunan atbp.
c.      Kasukdulan- pinakamadulang pangyayari sa kwento at makakamtan ng pangunahing tauhanang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

2.      WAKAS
a.      Kakalasan- sa bahaging ito ay ipakikita ang unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kwento.
b.     Katapusan- makikita ang resolusyon ng kwento. Maaaring malungkot o Masaya, pagkatalo o pagwawagi atbp.

No comments:

Post a Comment