Saturday, October 15, 2011

Alamat (Pagbabalik-Aral)

Alamat ng Alamat:
talasalitaan
1. paghihikahos- paghihirap
2. nakatirik- nakatayo
3. pananaya-panliligaw
4. masilungan- matuluyan, matirahan, mapuntahan
5.mapawi-mawala
6. dukha-mahirap (mayaman)
7. hampaslupa- mahirap, dukha(marangal)
8. hangal- mangmang, walang alam(matalino)
9. sakim-ganid (mapagbigay)
10. itinaboy- pinaalis (inanyayahan)
11. ubod- sobra (salat)

buod:  (banghay)
isang matandang lalaki ang ubod ng yaman subalit mapagmataas at mapang-api sa mahihirap ang nagkaroon ng isang napakaganda at napakabait na anak. Ang kanyang anak ay umubig sa isang makisig, matlaino, masipag, at mabuting binata na ang tanging kapintasan ay ang pagiging dukh. Hinadlangan ito ng matanda ngunit nagtanan pa rin ang dalawa. Dahil sa sobrang galit ng matanda sa anak ay nagmaigas ito na hindi tulungan ang anak at ito'y itaboy sa paghingi nito ng tulong nang nagkaroon ng isang matinding bagyo. Humantong ito sa kamatayan ng anak at pati na rin ng mga taong dapat sana ay natulungan niya. lahat ng dukha sa paligid ng bundok ay nangalunod nang lahat. Kaya naman nagsisisi ang matanda ngunit huli na ang lahat at siyang nakatakda na upang pagbayaran ang lahat sa pamamagitan ng pagtatala ng mga ALAMAT habambuhay.

tauhan:
matandang balo- sakin at mapagmataas
Selina- anak ng balo, mabait at maganda
Lando- lalaking iniibig ni Selina
mamamayan- mga tao sa ilalim ng bundok na laging minanaliit ng matanda

aral:
"Ang kasakima'y hindi magbubunga ng mabuti, tiyak na babalik ito at ika'y sisingilin."

iba't ibang paraan ng pagtatanong:
1. Mga tanong na humihingi ng higit sa isang impormasyon sa tulong ng dalawang panghalip. Sa ganitong uri, isang panghalip lamang ang inilalagay sa unahan ng tanong maliban kung pinag- uugnay ng at ang dalawang pananong.
Mga halimbawa:
Tanong 1: Sino ang pinarusahan ng ano?
a.) Pinarusahan ng langit ang lalaking balo.
b.) Ang langit ang nagparusa sa lalaking balo.
Tanong 2: Bakit at paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa?
a.) Lumaganap ang mga alamat sa ating bansa dahil sa mga dayuhan.
b.) Nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan ang mga alamat kaya nanatili ang mga ito hanggang sa kasalukuyan.
Tanong 3. Sino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat at paano?
Tayong mga Pilipino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat sa pamamaigitan ng pagtangkilik dito.=
Maaari namang paghiwalayin sa isang serye ng tanong ang mga naunang halimbawa tulad nito:
Sino ang pinarusahan ng langit? Ano ang ginawang parusa sa lalaking
Bakit mayroon tayong mga alamat ngayon?
Paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa?
Sino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat?
Paano natin pahahalagahan ang ating mga alamat?

2. Mga magalang na tanong na nangangahulugan ng pakiusap.
Mga halimbawa:
Puwedeng magtanong? / Puwede po bang magtanong?
Posible (po) kayang bigyan ako ng pagkakataong makasali sa usapan?
Maaari (po) bang mahingi ang inyong opinyon tungkol sa paksang pinag-uusapan?
3. Mga tanong na panagot sa pangungusap at nagpapahiwatig ng iba’t ibang layunin.
Hindi nangangailangan ng sagot ang mga pangungusap, tulad ng tanong. Ngunit sa isang usapan, karaniwang inaasahan ang pagbibigay ng reaksyon sa maraming pangungusap upang maipakita sa nagsasalita ang interes at pagsang-ayon o pagtutol, o para maipakita lamang na nakikinig sa nagsasalita. Isang uri ng reaksyon ang pagtatanong, at kapag ginawa ito, matitiyak lamang na may natatanging layunin ang tanong gaya ng sumusunod:
• Mga tanong na signal o hudyat ng atensyon at interes sa sinasabi ng kausap. May kasama itong intonasyon na naghahayag ng interes.
Mayaman pala tayo sa mga alamat.
Oo, marami na akong nabasang alamat.
May paligsahan daw sa pagsulat ng alamat.
• Mga tanong na humihingi pa ng ibang impormasyon mula sa kausap.
Pinaiikli rin ang ganitong tanong.
Pupunta ako sa library.
Manghihiram ako ng libro.
Basahin mo ito.
Talaga? (naninigurado)
Ow? (parang di makapaniwala)
Totoo ba? (naniniyak)
Bakit? Kailan (ka pupunta sa library)?
Anong libro (ang hihiramin mo)?
Bakit (ko iyan babasahin)?



No comments:

Post a Comment